Martes, Mayo 8, 2012

Giyera Patani

Giiyera patani
Usapang gulay

“Ang daming usiserong nakapalibot sa dalawang palengkerang  nag-aaway at nagmumurahan kanina. Naku talagang giyera patani ang aming nasaksihan.”  

KAHULUGAN:  Away na maingay.

PAMUHATAN:  Ang giyera patani ay away laway. 

Puno ng batuhan ng mga akusasyon, murahan at reklamo mula sa magkabilang panig subalit puro bungangaan lamang. Puro satsat.

Hindi dumarating sa pisikal na babagan ang away pero mahirap awatin ang mga nagtatatalak.

At bakit nadawit ang patani sa eksenang ito?

Kasi ang buto ng patani ay magaan at hindi solido. Hindi makakasugat.

Magbatuhan man ang nag-aaway ng buto ng patani ay walang mabubukulan.

Kahit pa ibala sa sumpit ang buto ng patani, puedeng magpantal ang katawan ng tatamaan.

Pero, sabi nga, malayo ito sa bituka. Hindi lalabas ang kinain.

HETO ANG PANINGIT AT PANGDIIN: Sa giyera patani, laluna kung kapwa lalaki ang sangkot, magkaminsa’y lalong nag-iinit at nangangalit ang nag-aaway habang inaawat.

At kapag sinubukan mo namang itulak, saka naman sila umaatras at nangangayaw.

3 komento:

  1. Hahahahaha. Ganun pala yon. Ngayon ko lang napansin ang katuturan ng malalim na pagwawangis o metaphor nito. Salamat sa isang masusing scholar ng wika.

    Yun pala yon, ika nga. Salamat sa paliwanag.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sir sa pagpuna. first time ko lang mag blog. purba lang baga. kaw ang unang reax. idol ko pa. hehehe.

      Burahin
  2. Salamat bro at nakasapi ka sa grupo nating Kalikasan at Wikang Filipino...sa grupong ito nagumpisa ang pagsusulat ng Tagalog sa Facebook...umani ito ng matinding pagbatikos dahil alam mo na ang mga Pilipino, yabang mag-English pero baluktot naman, he he...pero pag sasabihin ko naman na ito na lang ang pag-asa ng bansa natin para umunlad...wala na din silang kibo...GOD Bless bro Rude Du brul!

    TumugonBurahin